Williams may hinahangad na makamit ngayong 2016

BRISBANE, Australia — Wala nang iba pang sport na makaka­pan­tay sa hangarin ni Serena Williams.

Sisimulan ni Williams, nagreyna sa unang tatlong major tournaments noong 2015 at natalo sa US Open semifinals, ang kanyang kampanya sa pakiki­pagtambal kay Jack Sock para sa American team sa Hopman Cup sa Perth, Western Australia.

Sasagupain ng mga Americans ang Ukraine para sa una nilang laban.

Ang torneo ay baha­gi ng Australian Open Series kasama ang Bris­bane International na magtatampok kina de­fending champions Ro­ger Federer at Maria Sha­rapova.

Noong 2015 ay bi­nuk­san ni Williams ang kanyang 53-3, five-title season mula sa tagum­pay kay Sharapova sa Australian Open finals.

Show comments