Kobe nagbida sa Lakers

BOSTON, Philippines – Kumo­lekta si NBA superstar Kobe Bryant ng 15 points at 11 rebounds pa­ra tulungan ang Los Angeles Lakers sa 112-104 panalo kontra sa Cel­tics.

Ibinabad si Bryant sa loob ng 33 minuto at itinala ang una niyang double-double para sa kan­yang final season.

Ito ang pang-173 career double-double ng 37-anyos na si Bryant na nakatakdang magretiro matapos ang season.

Umiskor naman si Fil-Am guard Jordan Clarkson ng 24 points ka­sunod ang 19 ni Lou Williams para tapusin ng Los Angeles (6-27) ang kanilang four-game slide.

Pinamunuan ni Isaiah Thomas ang Celtics sa kanyang 24 points ka­sunod ang 20 ni Evan Turner.

Iniwanan ng Lakers ang Celtics ng 11 sa hu­ling anim na minuto ng fourth period bago nagpakawala ang Boston ng 9-0 atake para makadikit sa 98-100 agwat bu­hat sa dunk ni Avery Bradley.

Isinalpak naman ni Bryant ang kanyang ika­lawang 3-pointer sa fi­nal canto para sa 107-102 bentahe ng Lakers sa huling 1:40 minuto.

Sa Dallas, ipinatikim naman ng Mavericks ang ika­lawang kabiguan ng nagdedepensang Gol­­den State Warriors nga­yong season nang ku­nin ang 114-91 pana­lo.

Show comments