Pacquiao-Bradley III ikinasa

MANILA, Philippines – Muling lalabanan ni Fi­lipino world eight-divi­sion champion Manny Pac­quiao si world welter­weight titlist Timothy Brad­ley, Jr. sa ikatlong pag­kakataon.

Inihayag kahapon ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na pinili ni Pac­quiao na sagupain si Bradley sa Abril 9 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Ipinadala na ni Arum kay Pacquiao ang paunang $2 milyon mula sa ma­tatanggap niyang $20 milyon na guaranteed purse sa pagharap kay Brad­ley.

“Michael (Koncz) cleared everything with Manny and we sent out the advance money to seal the deal,” wika ni Arum sa Canadian adviser ni Pacquiao (57-6-2, 38 KOs).

Wala pang sagot si Brad­ley (33-1-1, 13 KOs) kaugnay sa pagpili sa kanya ni Pacquiao.

Nauna nang sinabi ni Bradley, ang kasaluku­yang World Boxing Orga­ni­zation welterweight tit­le-holder, na mas gusto ni­yang ma­kaharap si Puer­to Ri­can superstar Mi­guel Cot­to.

Tinalo ni Bradley si Pac­quiao sa pamamagitan ng kontrobersyal na split decision win sa kanilang unang pagkikita noong Hun­yo ng 2012.

Bumawi naman si ‘Pac­man’ at kinuha ang una­nimous decision vic­to­ry sa kanilang rematch noong Abril ng 2014.

Hindi pa tiyak ni Arum kung ito na ang ma­­giging pinakahuling la­­ban ni Pacquiao, tututukan ang kanyang political career kung saan siya tu­matakbo para sa isang Se­natorial seat.

Show comments