Kabayong Princess Niccole, pinakadehadong nanalo

MANILA, Philippines – Napahiya ang lahat ng mga tiyempista at pati na ang mga mahuhusay na clockers nang magwagi ang pinaka-dehadong  Princess Niccole sa isang Philracom-MJCI Christmas Racing  Festival nitong Martes ng gabi sa San Lazaro Leisure Park.

Pinasakyan lang ito sa isang class-D rider na si JPE Villanueva pero hindi  ito naging hadlang para magbunyi ang koneksyon na sina
 horseowner Patrick P. Uy, horsetrainer Nestor E. Manalang  gayundin si Villanueva. Ang   apat na taong kastanyang kabayo ay hindi na nadikitan ng  sinuman sa kanyang mga nakalaban bagama’t wala ni isa  man sa mga tipsters ang nagturo na may panalo ito.

Sa panalo ni Princess Niccole na siyang tanging pinaka-dehado sa alinman sa walong karerang nailarga, ay  nagpalobo ito ng dibidendo lalo na sa   winner take all.

May P195,943 ang premyo ng bawat isang  ticket na maipagdiwang ng higit na may saya at sigla  ang papalapit na baong taong 2016 na papasok.

Sa pick six naman ng gabi ay  nag-umento ito ng P11,558 sa bawat winning tickets at mas
 malaki pa ang pick five dividends na P17,699 dahil ang  Princess Niccole ang siyang unang kartada sa naturang e­xotic  betting options.

Sa naturang karera ay pilit na bumubuntot ang  Ecstatic Gee na nirendahan ni J.L. Lazaro gayundin naman ang  pagpasikat ng Twice As Lucky na si E.P.

Pagsapit sa papaliko sa huling kurbada ay ito namang si Pampangueño na pinaandar ni Dan Camañero, Tisay na  sinakyan ni L.C. Lunar at Kaluguran na ginabayan ni J.L.

Paano ang siya namang nagpumilit na makahabol sa nauunang  Princess Niccole.

Sa Pagkapanalo ng dehadong si Princess Niccole ay umarangkada naman ang mga paboritong kabayo para itatak ang  P31.60 baryang dibidendo para sa pick four.(JM)

Show comments