O’Neal, Iverson, Yao Ming Hall of Fame candidates

SPRINGFIELD, Massachusetts – Kasama sina Shaquille O’Neal, Allen Iverson at Yao Ming sa mga first-time candidates sa balota para sa Naismith Memorial Basketball Hall of Fame.

Kasama rin sa mga kandidato sina Michigan State coach Tom Izzo at dating women’s star She-ryl Swoopes na inihayag noong Lunes para sa class of 2016. Ang mga finalists ay ihahayag sa Feb. 12 sa NBA’s All-Star weekend at ang mga iluluklok sa Hall of Fame ay ihahayag sa April 4 sa Houston bago ang NCAA championship game.

Sina O’Neal at Yao  ay naging eligible noong nakaraang Linggo para sa sa naturang parangal nang baguhin ng Hall ang kanilang eligibility criteria/procedures.

Puwede na ngayong maging Hall of Famers ang mga players na apat na season nang hindi na naglalaro mula sa dating 5-years.

Show comments