Panaguiton Bowler of the Year

MANILA, Philippines - Inangkin ni Eugene Panaguiton ng Emerald Pipes ang ikalawa niyang Bowler-of-the-Year award habang kinilala si Michael Macasieb ng Boysen Paints bilang Most Improved Bowler at ang Boysen bilang Sponsors of the Year sa awards ceremonies na idinaos sa Architects Bowling Club’s Christmas Party sa Vikings SM Megamall, Ortigas Center.

Nagpagulong si Panaguiton ng pinakamaraming winning points sa 2015 season para talunin si Ronnie Javier sa Bowler of the Year honors.

Napanalunan ni Panaguiton, ang bagong ABC president, ang Group 2 Annual Championship noong 2008 at noong 2009 ay hinirang siyang Most Improved Bowler of the Year (MIBY).

Noong 2010 at 2011 ay naging second runner-up siya sa Group-1 at noong 2012 ay nakamit niya ang ABC Open Group-3 Masters.

Samantala, nagpagulong naman si Denis Jalandoon ng Boysen ng 2076 para sikwatin ang Group A crown, samantalang ibinulsa nina Johnny Baluyot ng Boysen Healthyhomes at Russel Mapanoo ng Mighty Lynx ang Group B at C titles, ayon sa pagkakasunod, sa Architects Bowling Club’s Annual Championship sa E-Lanes sa San Juan City.

Tinalo ni Jalandoni sina Dante Manglicmot ng Crown Pipes (2040), Panaguiton (1961), Jerry Cham ng Boysen Paints (1953) at Nepthy del Rosario (1920).

Umiskor naman si Ba-luyot ng 1544 para ungu-san ang 1517 ni Rudy Serrano ng DN Steel.

 

Show comments