Pasay-The Travel City Cup

MANILA, Philippines – Iginawad ni Pasay City Mayor Tony Calixto (ikatlo mula sa kaliwa) ang Pasay – The Travel City Cup kay Moy Mongaya, trainer ng winning horse na Silver Sword (nasa likod) sa awarding ceremony sa MetroTurf racetrack in Malvar-Tanauan, Batangas. Nasa larawan din sina (mula sa kaliwa) Gardy Cruz, Atty. Dennis Acorda, MMTC Chairman & President Dr. Norberto Quisumbing Jr., at Bing Tecson. Ang top favorite na Silver Sword na pagmamay-ari ng H. Hianan Jr., ay nanalo sa 2nd Pasay – The Travel City Cup para sa top prize na P420,000 bukod pa sa magarang tropeo. Tinalo niya ang anim pang imported at local runners sa karerang bahagi ng 152nd celebration ng Pasay City.

Show comments