NEW YORK — Nagpasabog si Carmelo Anthony ng 27 points at pinadapa ng New York Knicks ang pagod nang Chicago Bulls, 107-91 para ilista ang kanilang pang-apat na sunod na panalo.
Nagdagdag si Arron Afflalo ng 18 points para sa New York, nakabalik sa .500 sa kanilang 14-14 record makaraang manalo lamang ng 17 games sa nakaraang season. Tumipa naman si Lance Thomas ng 13 markers mula sa bench para sa Knicks.
Isang gabi matapos matalo sa four-overtime game sa Chicago, maganda ang naging simula ng Bulls at na-ging malakas sa third quarter, ngunit nakontrol ng Knicks ang fourth period.
Kumamada si Joakim Noah ng season-high na 21 points para sa Bulls sa kanyang unang beses sa starting five ngayong season habang nag-ambag si rookie forward Bobby Portis ng career na 20 points at 11 rebounds.
Sa Oklahoma City, humataw si Kevin Durant ng 22 points at kumolekta si Enes Kanter ng 19 points at 14 rebounds para akayin ang Thunder sa 118-78 panalo laban sa Los Angeles Lakers.
Ito ang pang-walong sunod na home victory ng Thunder.
Nag-ambag si Russell Westbrook ng 13 points at 11 assists para sa kanyang ika-18 double-double sa season para sa Oklahoma City.
Hindi naman naglaro si Kobe Bryant para sa Los Angeles dahil sa kanyang namamagang kanang balikat kaya gi-namit ng Lakers si rookie Anthony Brown.
Pinamunuan ni Lou Williams ang Los Angeles sa kanyang 20 points kasunod ang 15 ni Fil-Am guard Jordan Clarkson.
Sa Houston, humakot si center Dwight Howard ng 22 points at 14 rebounds para tulu-ngan ang Rockets sa 107-97 panalo kontra sa Los Angeles Clippers.
Lumamang ang Houston ng 26 points sa first half bago buksan ang fourth quarter sa pamamagitan ng 8-2 run para iwanan ang Clippers sa 91-73.
Tuluyan nang ibinaon ng Rockets ang Clippers nang kunin ang 95-76 abante sa huling pitong minuto ng laro nang supalpalin ni Ho-ward si Austin Rivers.