MANILA, Philippines – Tila magiging isang mini stakes race ang labanan sa isang class division.
Para na kasi itong imported versus local challenge race na pakarera ng Philippine Racing Commission at mangyayari ito sa ika-limang karera ngayong gabi sa San Lazaro Leisure Park.
Ang locally bred horse na Biseng Bise na pag-aari ni Maca Asistio III ay gagabayan ni Mark A. Alvarez.
Ang mga kalaban ng Biseng Bise ay imported runners mula Australia at magtatagisan sa 1,300 metro distansiyang karera.
Ang mga tatakbo ay ang Irish Toffee (R.M. Ubaldo), Caramel (C.J. Reyes), Settle (R.G. Fernandez), Saloon Singer (C.V. Garganta), Eugenie (J.A. Guce), Our Angel’s Dream (C.P. Henson) at Gold Tribute (J.D. Juco).
Napipisil ng mga tiyempista ang Biseng Bise, habang ang ipinalalagay na pinakamahigpit na kalaban ay ang Eugenie.
May panama rin ang Our Angel’s Dream at ang Saloon Singer.
Naglagay rin ng pakarera ang Philracom at MJCI na isang special race-18.
Ang mga kalahok ay ang Primetime (L.F. De Jesus), Chikks To Chikks (L.D. Balboa), Limay (R.C. Tanagon), Lovely Ycee (E.P. Nahilat), A Rose For Mary (J.D. Flores) at Touch Magic (R.M. Ubaldo).
Inaasahang magbabalikatan ang Primetime at Chikks To Chikks.
Samantala, nailabas na ang mga kalahok sa gaganaping 2015 Philracom Chairman Cup bilang pakarera sa dating chairman na si Angel Lopez Castano, Jr. at sa 1,600 meters ang labanan.