Painters, Aces lumapit sa semis

Nilusutan ni Jeff Chan ng Rain or Shine sina Cliff Hodge at Baser Amer ng Meralco. PM Photo/Jun Mendoza

MANILA, Philippines – Ang isang mala­king la­ro ay hindi pa­kawalan ng Elasto Pain­ters.

Rumesbak ang Rain or Shine mula sa 10-point deficit sa third period para gibain ang sibak nang Me­ralco, 97-87, at patibayin ang paghahangad sa isa sa dalawang automatic semifinals berth sa 2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Sa ikalawang laro, ti­na­lo ng Alaska ang nagde­depensang San Miguel, 103-97.

Binanderahan ni Jeff Chan ang Elasto Painters sa kanyang 24 points, habang kumo­lekta si Raymond Almazan ng mga career-highs na 21 points at 17 rebounds.

“We had to bleed for this one. This is a big game for us to keep our chances alive for outright semis,” wika ni Rain or Shine coach Yeng Guiao.

Para tuluyan nang angkinin ang isang outright se­mifinals ticket ay dapat talunin ng Elasto Painters ang NLEX sa Sabado.

Ang dalawang free throws ni rookie guard Chris Newsome ang nagbigay sa Meralco ng 10-point lead, 52-42, sa 10:41 minuto ng third period bago nakabawi ang Rain or Shine para kunin ang 67-66 bentahe sa pagtatapos nito.

Mula dito ay itinala ng Elasto Painters ang 87-80 abante sa huling 2:52 minuto ng final canto.

Pinangunahan ni Jared Dillinger ang Bolts sa kan­yang 15 points kasu­nod ang 13 ni rookie guard Baser Amer, 12 ni Newsome.

RAIN OR SHINE 97 - Chan 24, Almazan 21, Cruz 13, Belga 9, Norwood 8, Quiñahan 5, Ahanmisi 4, Ponferrada 4, Teng 3, Ibañes 2, Matias 2, Trollano 2, Tiu 0.

Meralco 87 - Dillinger 15, Amer 13, Newsome 12, Alapag 10, Nabong 9, Hodge 8, Hugnatan 8, Bue­nafe 7, Al-Hussaini 5, David 0, Faundo 0.

Quarterscores: 23-22; 42-49; 67-66; 97-87.

Show comments