Malapit nang makumpleto ang Cavaliers

Kyrie Irving

CLEVELAND – Inaasahang kaagad maipaparada na ng Cavaliers ang kanilang kumpletong line-up.

Ito ay dahil sa pagla-laro ni Iman Shumpert sa panalo ng Cavaliers laban sa Orlando Magic noong Biyernes at sinabi ni head coach David Blatt na maaari nang makita sa aksyon si Kyrie Irving sa Christmas.

Hindi maglalaro si Irving nitong Martes kontra sa Boston Celtics, ngunit posible siyang magbalik sa December 20 laban sa Philadelphia Sixers.

“We’ve still got some things that we want to go through with him before we let him get back out there,” sabi ni Blatt. “But he is looking good and feeling good.”

May tsansang ipasok si Irving sa pagharap ng Cleveland sa Oklahoma City Thunder sa Huwebes, subalit sa December 20 ang target date ng kanyang pagla-larong muli.

Dahil dito ay tiyak nang mapapasama ang three-time All-Star sa starting lineup ng Cavaliers sa Christmas Day laban sa defending champion Golden State Warriors.

Bagama’t hindi pa alam kung kailan talaga ang eksaktong araw, ang sigurado ay magbabalik na si Irving anumang araw.

Kung mangyayari ito ay siguradong masarap nang panooring maglaro ang kumpleto nang Cavs.

Show comments