CLEVELAND – Sasama si Kyrie Irving sa pagbiyahe ng Cavaliers at posibleng bumalik na ito sa paglalaro.
Posibleng mangyari na ang 2015-15 season debut ng All-Star point guard na si Irving sa mga susunod na araw sapul nang mabali ang kanyang kaliwang knee cap sa Game One ng NBA Finals ng nakaraang season.
Sinabi ni coach David Blatt nitong Huwebes na kasama nilang aalis sina Irving at starting guard Iman Shumpert na di rin nakakalaro dahil sa right wrist injury at posibleng sumalang ang mga ito sa laban kontra sa Orlando nitong Biyernes at Boston sa Martes.
“There’s a chance that one of the two or both will play on the trip, but there’s also a chance they don’t,’’ sabi ni Blatt pagkatapos ng practice sa Cleveland Clinic Courts. “We’ll see how they’re feeling.’’
Natapos nina Irving at Shumpert ang kanilang ikatlong full practices noong Huwebes kaya sila isinama sa two-game road trip ng Cavs.
Ngunit iginiit ni Blatt na magiging maingat ang Cleveland na hangad makabalik sa finals pero hindi nila kailangang madaliin ang dalawa.
“We’re in December,’’ ani Blatt. “Not a normal situation. Both of them are coming back from pretty serious injuries, but they are progressing.’’