MANILA, Philippines – Nalampasan ng Globalport ang inspiradong paglalaro ni Meralco ve-teran guard Jimmy Alapag sa fourth quarter para pala-kasin ang kanilang tsansa sa ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinal round.
Nagposte si playmaker Terrence Romeo na may 33 points, tampok ang 5-of-10 shooting sa three-point range at 6-for-6 clip sa free throw line, para tulungan ang Batang Pier sa 108-104 pagtakas sa Bolts sa 2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
“That showed the true character of the team na hindi bibitaw kahit ‘yung momentum napunta sa Meralco,” sabi ni Globalport coach Pido Jarencio, nakahugot ng 19 points kay Stanley Pringle at 15 kay Jay Washington.
Mula sa 103-96, bago isalpak ni Alapag ang kanyang huling triple para muling idikit ang Meralco sa 104-105 sa nalalabing 18.5 segundo.
Ang tatlong free throws nina Romeo at Washington ang tuluyan nang sumelyo sa ikatlong sunod na panalo ng Batang Pier kasabay ng pagpapalasap sa Bolts ng pang-apat na dikit na kamalasan.
“At least ‘yung objective ng team ay nakuha na namin and at least nasa No, 3, 4 or 5 spot kami,” ani Ja-rencio. “Going to the playoffs, kailangan strong finish kami dito sa elims.”
GLOBALPORT 108 - Romeo 33, Pringle 19, Washington 15, Mamaril 8, Yeo 8, Jensen 7, Kramer 7, Maierhofer 6, Sumang 3, Semerad 2.
Meralco 104 - Alapag 18, Hodge 17, Nabong 13, Newsome 13, Hugnatan 12, Faundo 11, David 8, Buenafe 7, Dillinger 4, Caram 1, Al-Hussaini 0, Amer 0.
Quarterscores: 26-22; 55-44; 87-73; 108-104.