PBA magdaraos ng official games kung saan may mga OFWs

MANILA, Philippines – Kung saan may mga OFWs ay pupuntahan ng Philippine Basketball Association.

Ito ang ipinangako ni PBA Commissioner Chito Narvasa ukol sa hangarin niyang ma­kapagsagawa ng mga la­ro sa ibang bansa ma­tapos ang mainit na pag­tanggap sa kanila ng mga OFWs sa Dubai.

“We all know that our kababayans abroad don’t have much leisure time. When they come home, kasama sa ka­sabikan nila ang mano­od ng PBA,” sabi ni Nar­vasa.

“The PBA going to where they are is our way of giving back to what we call our mo­dern-day heroes,” dagdag pa nito.

Labis na dinagsa ng mga OFWs ang dala­wang laro ng Alaska laban sa Barangay Ginebra at Mahindra.

“I saw it in Dubai. The reception was not just warm. They’re ge­nuinely very, very happy just to be able to see our basketball stars,” sabi ni Narvasa. “If we can do more activities outside the country, the better. We’ll find time to work within our schedule. Susubukin natin pagbigyan lahat.”

Umaasa ang Clique Events, ang organi­zing partner ng PBA sa Du­bai, na muli silang ma­kakapagsagawa ng mga official games sa dara­ting na 2016 PBA Commissioner’s Cup.

Para sa third confe­rence ay magtutungo ang PBA sa Taipei.

Sa susunod na taon na­man ay posibleng ma­kapaglaro ang PBA sa Qatar at sa Saudi Arabia, ayon kay PBA media bureau chief Willy Marcial.

“We’ve had initial talks with the Qatar and Sau­di groups. They have expressed clear intention to host PBA games. Our prospective Qatar host is the Qatar basketball federation, no less,” wika ni Marcial.

Naka­paglaro na ang local pro league sa Indo­nesia, Hong Kong at Guam.

Muli ring isasagawa ang Legends games ma­tapos dumayo sa New Zealand ang grupo nina Alvin Patrimonio, Jerry Codiñera, Jojo Lastimosa, Kenneth Duremdes, Marlou Aquino, Bal David at Noli Locsin.

Alam ng mga PBA ball clubs na nakakapagbigay sila ng kasiyahan sa mga Pinoy sa abroad.

Sa katunayan ay sini­mulan ng Alaska ang ka­nilang workouts sa pag­bisita nila sa Dubai.

Binigo ng Aces ang Enforcers bago natalo sa Gin Kings sa kanilang da­lawang laro.

“You can feel ‘yung pagkasabik nila ma­kasalamuha ang ka­babayan nilang dinada­law sila,” wika ni Alas­ka chief playmaker JVee Casio.

“Nakakataba ng puso na alam mong na­ka­pag­pasaya ka ng kap­wa Filipino na nasa ab­road. Iyon yung paki­ramdam ko,” sabi naman ni forward Calvin Abueva, na­ging bahagi ng Manila West team na sumabak sa FIBA World Tour 3x3 finale sa Doha, Qatar.

“I’m all in for this kno­wing we sacrifice a little as compared to what these guys bring to our country,” wika naman ni Sonny Thoss.

Show comments