Ravena, Teng babandera sa 3x3 All-Star

MANILA, Philippines – Pamumunuan nina UA­AP Season 78 Mythical Team members Kiefer Ravena ng Ateneo De Ma­nila University at Jeron Teng ng De La Salle University ang bansa para sa FIBA 3x3 All-Star exhibition game sa Doha, Qa­tar.

Ito ang pormal na ini­ha­yag ng Samahang Basketbol ng Pilipinas.

Makakasama nina Ra­vena at Teng sa koponan si­na San Beda import Ola Adeogun at Perpe­tual Help reinforcement Bright Akhuetie.

Nakatakdang umalis ang grupo sa Disyembre 8 ba­go magsimula ang torneo sa Disyembre 11.

Tumapos ang tro­pa ni­na Calvin Abueva, Karl Dehesa, Vic Manuel at Troy Rosario sa ikaanim na puwesto sa nakaraang 2015 FIBA 3x3 World Tour sa Abu Dhabi.

Show comments