Warriors dumiretso sa ika-17 panalo

PHOENIX — Sa pa­tuloy na arangkada ng nagdedepensang Gol­den State ay wala ring ma­kakapantay sa intensidad ng mga Warriors.

Umiskor si Stephen Curry ng 41 points sa tat­long quarters, habang humakot si Draymond Green ng triple-double at tinalo ng Warriors ang Phoenix Suns, 135-116, para sa kanilang NBA-record start na 17-0.

“We have an edge,’’ sa­bi ni Curry. “We love the feeling of winning and our confidence is high right now. That’s the only thing that motivates us.’’

Nagtala rin ang Warriors ng isang franchise mark para sa 3-poin­ters sa isinalpak na 22, isang agwat lamang ang kulang para sa league record na 23 ng Orlando Magic noong 2009, mula sa 38 attempts.

“I know we shoot a lot of 3s,’’ sabi ni Gol­den State interim coach Luke Walton. “They start blending together after a while. But that’s the type of game it turned into. We would like to still get the ball inside and move it side to side.’’

Umiskor si Curry ng season-high na siyam sa kanyang 16 attempts sa long range para sa kanyang ika-14 career na 40-point game kung saan ang lima rito ay nga­yong season.

Tumapos naman si Green na may 14 points, 10 rebounds at 10 assists para sa kanyang pa­ngatlong career triple-double, ang dalawa ay nga­yong season para sa Golden State.

Nagdagdag si Lean­dro Barbos ng 21 points na tinampukan ng 5-of-5 shooting sa 3-point range, habang may 15 mar­kers naman si Klay Thompson.

Itinala ng Warriors, na­sa kanilang highest-scoring game sa season, ang isa pang NBA mark.

Ito ay matapos silang kumonekta ng 15 3-pointers mula sa 20 attempts sa first half.

Show comments