MANILA, Philippines – Makakasama sa Philippine Mavericks team si French Open doubles champion Edouard Ro-ger-Vasselin bilang kapalit ni Jo-Wilfried Tsonga na umatras sa pagsali sa International Premier Tennis League (IPTL) nga-yong taon.
Umatras si Tsonga, tenista mula sa Switzerland dahil sa personal commitment, ayon kay IPTL Manila leg project lead Clementine Apacible na dumalo sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum noong Martes sa Shakey’s Malate.
“Roger-Vasselin is a great doubles player. We’re excited to have him,” sabi ni Apacible, na nagbigay sa mediamen ng update tungkol sa Manila leg na nakatakda sa Dec. 6-8 sa world-class MOA Arena.
Ang 31-gulang na si Roger-Vasselin, isang Frenchman, ay nanalo noong 2014 sa French Open men’s doubles kasama si Julien Benneteau.
Ang Mavericks, na pangungunahan ni world No. 1 Serena Williams, ay mapapalaban sa UAE Royals na IPTL champions noong nakaraang taon.
Lalaro din para sa Mave-ricks sina Fil-American Treat Huey, Mark Philippoussis, Richard Gasquet, Jarmila Gajdosova, Borna Coric at Sabine Lisicki.
Inaasahang hahatak din ng crowd sina Spa-nish clay-court king Rafael Nadal na mangunguna naman sa Indian Aces.