Gusting sumosyo uli ng Alaska

MANILA, Philippines - Sa 123-104 paggiba ng Alaska laban sa Globalport noong nakaraang Biyernes ay walong players ang umiskor sa double figures.

“Wala akong masabi. Talagang maganda ang ginawa ng mga players. They moved the ball, they played as a team,” sabi ni American coach Alex Compton sa kanyang Aces.

Target ang kanilang pang-limang panalo para makasosyo sa liderato, lalabanan ng Alaska ang Star nga-yong alas-7 ng gabi matapos ang salpukan ng NLEX at Meralco sa alas-4:15 ng hapon sa 2015 PBA Philippine Cup na mgpapatuloy sa Smart Araneta Coliseum.

Sa naturang panalo laban sa Batang Pier ay umiskor si Cyrus Baguio ng 17 points para sa Aces kasunod ang 16 ni Vic Manuel, tig-14 nina Chris Banchero RJ Jazul at Sonny Thoss, 12 ni Eric Menk, 11 ni Calvin Abueva at 10 ni JVee Casio.

Magpipilit naman ang Hotshots na makabangon mula sa 83-87 kabiguan sa Bolts noong nakaraang Sabado.

Muling aasahan ng Star ni rookie mentor Jason Webb sina two-time PBA Most Valuable Player James Yap, PJ Simon, Marc Pingris, Allex Mallari at Justin Melton.

Sa unang laro, pupuntiryahin naman ng NLEX at ng Meralco ang kanilang ikalawang sunod na panalo.

“It’s nice to get back in the winning track, it’s really a test of character for us this game,” sabi ni coach Boyet Fernandez matapos ang 107-101 panalo ng Road Warriors kontra sa Talk ‘N Text Tropang Texters noong nakaraang Biyernes.

Nakamit naman ng Bolts ni Grand Slam coach Norman Black ang kanilang kauna-unahang panalo nang kunin ang 87-83 tagumpay laban sa Hotshots.

“We limited our mistakes on the defensive end,” sabi ni Black. “Our major problem sometimes is that three guys are on the same page but the two guys are not. The two guys are on the same page but the three guys are not.”

 

Show comments