CAGAYAN DE ORO CITY, Philippines – Inangkin nina Arnold Unabia at Christine Hallasgo ang top spots sa 21K centrepiece event ng 39th National Milo Marathon Cagayan De Oro leg kahapon dito.
Ang nasabing Cagayan de Oro leg ang pinakahuling qualifying race bago ang inaaba-ngang National Finals na nakatakda sa December 6 sa Angeles, Pampanga.
Nagtala si Unabia ng oras na 01:15:27 para talunin sina Jerald Zabala (01:15:40) at Bryan Quiamco (01:15:50).
May bilis namang 01:28:25 si Hallasgo para iwanan sina Michelle Ann Sampang (01:39:41) at Ailene Tolentino (01:45:35).
Kapwa ibinulsa nina Unabia at Hallasgo ang top prize na P10,000 pati na ang tiket para sa National Milo Marathon Finals kung saan nila makakaharap ang mga elite runners sa agawan para sa Milo Marathon King at Queen titles.
Ang hihiranging Milo Marathon King at Queen ay ipadadala sa USA para sa tsansang makalahok sa 2016 Boston Marathon.
Sapul nang lumahok sa Milo Marathon noong 1997 ay limang qualifying legs na ang napagha-rian ng 37-anyos na Mi-samis Oriental native na si Unabia.
Ang mga ito ay ang dalawa sa General Santos at tatlo rito sa Cagayan De Oro.
Si Unabia ay isang athletics coach sa Tangub City kung saan niya sinasanay ang mga elementary at high school students pati na ang mga out of school youth.
Ang 22-anyos namang si Hallasgo ay ang dating back-to-back queen sa Cagayan De Oro leg.