Elasto Painters nakisosyo sa liderato

MANILA, Philippines – Sabik na sabik nang ma­kabawi ang Elasto Pain­ters buhat sa isang ma­sakit na pagkatalo no­ong nakaraang linggo.

Humugot si guard Je­richo Cruz ng 14 sa kan­yang career-high na 23 points sa third period para tulungan ang Rain or Shine sa 103-81 paggupo sa Blackwater at makisalo sa liderato ng 2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

“I guess we were real­ly excited to get back to pla­ying again after our heart­break loss,” sabi ni coach Yeng Guiao sa Elas­to Painters na nakatikim ng 111-113 kabiguan sa Globalport Batang Pier noong nakaraang linggo.

Mula sa eight-point lead sa halftime ay pinalobo ng Rain or Shine ang kanilang kalamangan sa Blackwater, nalasap ang ika­lawang sunod na kamalasan, sa 19 puntos, 80-61, sa pagtatapos ng third period.

Sapat na ito para ma­kabalik sa kanilang winning form ang Elasto Pain­ters, nakahugot ng 15 points kay Jewel Ponferrada kasunod ang 12 ni Beau Belga at 11 ni JR Qui­ñahan.

Sa ikalawang laro, ti­nalo ng Meralco ang Star, 87-83.

RAIN OR SHINE 103 – Cruz 23, Ponferrada 15, Bel­­ga 12, Quiñahan 11, Ahan­­misi 8, Almazan 8, Teng 6, Tiu 6, Matias 5, Ni­mes 4, Chan 3, Trollano 2, Iba­ñes 0, Norwood 0.

Blackwater 81 – Dela Cruz 15, Erram 14, Cervan­tes 9, Lastimosa 7, Gamalinda 6, Melano 6, Cortez 5, Ballesteros 4, Golla 4, Reyes 4, Sena 3, Agovida 2, Voso­tros 2, Canada 0.

Quarterscores: 25-16; 47-39; 80-61; 103-81.

Show comments