MANILA, Philippines – Hindi makakalimutan ni Holly Holm, ang bagong UFC bantamweight champion, ang sinabi sa kanya ni Ronda Rousey bago ang kanilang laban noong nakaraang Linggo sa UFC 193 sa Australia.
Tinawag ni Rousey si Holm na “fake” dahil pagkukunwari lamang ang pagpapakita ng dating women boxing champion ng kabaitan.
Ngunit ayon kay Holm, hindi niya ikinasisiya ang panggugulpi sa kanyang mga kalaban.
“Everytime I land a punch it’s satisfying because I know that I’m on top,” sabi ni Holm apat na araw matapos niyang agawin kay Rousey ang dating suot nitong korona.
“It’s not like, I hurt someone, I’ts like instant gratification of a bit of an accomplishment,” dagdag pa nito.
Sinabi din ng 34-anyos na si Holm, kasalukuyang may 11-0 record, na paghahandaan niya ang pagbabalik ni Rousey para sa kanilang rematch.
“If she wants the rematch and they put it together, you’ve always got to give the rematch. That’s just the way it goes,” sabi ni Holm kay Rousey.
Sa kanyang boxing career ay nakalasap din ng kabiguan si Holm at nabigyan ng rematch ng kanyang kalaban.
Kaya naman bibigyan niya ng rematch ang 28-anyos na si Rousey.
“I’ve been on the other end of it before. I’ve been knocked out and I got to be able to get a rematch and avenge my loss... and if you’re a real champion, you’re going to do that, you’re going to give them the rematch,” wika ni Holm.
Handa si Holm sa anumang bagong istilong gagamitin ni Rousey sa kanilang ikalawang pagtatagpo sakaling maitakda ito ni UFC president Dana White.
“Of course, I’m going to train even harder and better for the next fight ‘cause I know she’ll be coming back swinging,” ani Holm sa gagawin niyang preparasyon sa rematch kay Rousey.