Rivera, Del Rosario sibak sa World Cup

LAS VEGAS, Nevada – Tuluyan nang hu­mulagpos sa mga kamay nina national titlists Biboy Rivera at Liza del Rosario ang tsansang makamit ang korona ng QubicaAMF Bowling World Cup internatio­nal finals dito sa Sam’s Town.

Ito ay nang mabigo sina Rivera at Del Rosario na makasama sa men’s at women’s final eight spots ng torneo.

Nagtala ang dating World FIQ winner na si Rivera ng 6783 pinfalls sa eight round-robin mat­ches para tumapos sa ika-10 posisyon sa 32 games.

Naupo naman si Del Rosario sa ika-14 puwesto mula sa kanyang 6384 pins matapos ang 32 games.

Pitong World Cup crowns ang nakamit ng Pilipinas sa pangunguna ng apat ni legendary bow­ler Paeng Nepomu­ceno, habang may tig-isa sina Lita dela Ro­sa, Bong Coo at C.J. Sua­rez.

Hanggang ngayon ay wala pa ring nakakapantay sa apat na World Cup titles ni Nepomuceno sa men’s at women’s divisions.

Binanderahan nina South African Francois Louw at Colombian Cia­ra Guerrero ang lista­han ng walong men at women survivors.

Nagpagulong si Louw ng 7130 kasunod sina Siu Hong Wu (6991) ng Hong Kong, Paul Stott Jr. (6903) ng Ireland, Alexei Parshukov (6847) ng Russia, Mu­hammad Rafiq Ismail (6834) ng Malaysia, Muhammad Jaris Goh (6813) ng Singapore, Ryan Leonard La­lisang (6809) ng In­do­nesia at Tomoyuki Sa­saki (6808) ng Japan.

Umiskor naman si Guerrero ng 6901 para ungusan si Sandra Gongoro (6874) ng Mexico sa women’s group.

 

Show comments