MANILA, Philippines – Opisyal nang bahagi ng Texas Legends si Fil-Am Bobby Ray Parks, Jr. matapos makasama sa 10-man roster ng koponan sa opening game laban sa Austin Toros sa NBA Development League sa Cedar Park Center saTexas.
Kinuha ng Legends si Parks, hindi nahugot sa NBA rookie draft ngayong taon pero napasama pa rin sa NBA pre-season team ng Dallas Mavericks, bilang kanilang 25th overall pick sa D-League draft noong nakaraang linggo at agad nakasama sa 17-man training camp team.
Matapos makita ang laro ng dating two-time UAAP MVP , bumilib ang Legends at kinuha nila ito kasama ang Indian seven-footer na si Satnam Singh, kinuha ng Mavs sa draft ngunit ipinadala sa Texas kasama si dating NBA player Toure’ Murry.
Si Parks, anak ni da-ting many-time PBA Best Import Bobby, Sr., ang ikalawang Filipino na na-draft sa NBA farm league matapos si Japeth Aguilar na hinugot sa seventh round ng Santa Cruz Warriors tatlong taon na ang nakakaraan ngunit si Parks ang unang Pinoy na lalaro sa NBA D-League dahil hindi sumalang sa laro si Aguilar na ngayon ay nasa Brgy. Ginebra na.