ATLANTA -- Umasa si Andrew Wiggins na hindi mawawala ang kanyang shooting touch sa patuloy na pag-i-improve ng Atlanta Hawks sa pagbangon mula sa malaking agwat.
“I was feeling it,’’ wika ni Wiggins. “My shot was falling. My teammates kept encouraging me, gi-ving me the ball.’’
Dinuplika ni Wiggins ang career high sa pagpukol ng 33 points, habang nagdagdag ng 17 si Karl-Anthony Towns para sa 117-107 panalo ng Minnesota Timberwolves laban sa Hawks.
Naisuko ng Timberwolves ang itinayong 34-point lead bago nakabalik sa kanilang porma at wakasan ang seven-game winning streak ng Hawks.
Hindi nakalamang ang Atlanta hanggang maisalpak ni Paul Millsap ang kanyang runner sa huling 3:26 minuto na nagbigay sa Atlanta ng 107-106 abante.
Ngunit kumamada si Wiggins ng pitong sunod na punto para maiiwas ang Minnesota sa pinakamalaking pagkulapso sa NBA history.
“Any team down is going to come back fighting,’’ sabi ni Wiggins.” We knew that.’’
Kinuha ng Timberwolves ang 72-42 halftime lead.
Ang pinakamalaking halftime deficit na nakuhang ibasura ng isang koponan ay 34 points na ginawa ng Utah Jazz laban sa Denver Nuggets noong Nov. 27, 1996, ayon sa STATS sapul noong 1951-52 season.
Tumapos si Jeff Teague na may 24 points at may 22 si Millsap para sa Hawks.