CLEVELAND-- Sa inilaro ni LeBron James ay tila wala siyang iniindang masakit na binti.
Umiskor si James ng 29 points at gumawa ng mahahalagang play sa dulo ng laro para ihatid ang Cleveland Cavaliers sa 101-97 panalo laban sa Indiana Pacers patungo sa kanilang ikaanim na sunod na panalo.
Natamaan sa binti si James sa kanilang panalo noong Biyernes at sinabing sasailalim siya sa isang round-the-clock treatment para muling makalaro kontra sa Pacers.
Nagsalpak si James ng pitong free throws sa huling mga minuto ng fourth quarter at napasahan si Kevin Love para sa ilang baskets sa natitirang 27 segundo.
“I started off pretty well but I got hit again in the third quarter so it was really, really sore,’’ sabi ni James. “It’s pretty sore right now.’’
Humanga naman si Cavaliers coach David Blatt sa inilaro ni James.
“Most guys probably wouldn’t have played with what he had, and he played, and you saw how he played,’’ wika ni Blatt. “The guy is unbelievable. He really is. I don’t have a better word than that.’’
Tumapos si Love na may 22 points at 19 rebounds para sa Cavaliers na hindi pa natatalo mula nang mabigo sa kanilang season opener laban sa Chicago.
Nagtala si Paul George ng 32 points sa panig ng Indiana, hindi nakaiskor sa loob ng apat na minuto matapos kunin ang 90-88 abante.
Nagsalpak si George ng isang 3-pointer sa hu-ling 18 segundo para idikit ang Pacers sa 95-97.
Sa New York, kumonekta ng three-pointer si Langston Galloway para igiya ang Knicks sa 99-95 panalo laban sa Los Angeles Lakers sa sinasabing huling laro ni Kobe Bryant sa Madison Square Garden.
Ayon sa 37-anyos na si Bryant, naglalaro sa kanyang ika-20 at posibleng pinakahuling season sa Lakers, na ayaw niyang maging farewell tour ang 2015-16.
“It felt amazing,” sabi ni Bryant na pinapalakpa-kan ng mga fans sa tuwing matatanggap ang bola.