Cignal sigurado na sa semifinals

MANILA, Philippines – Bagama’t naisuko ang second set ay na-ging agresibo pa rin ang Cignal para tuluyan nang samahan ang Petron sa semifinal round ng 2015 Philippine Superliga (PSL) Grand Prix.

Iginupo ng HD Spi-kers ang RC Cola-Air Force Raiders, 25-19, 20-25, 25-10, 25-19 kahapon sa Malolos Sports and Convention Center.

Muling sinandigan ng Cignal sina American imports Ariel Usher at Amanda Anderson para kunin ang kanilang ika-anim na panalo sa walong asignatura patungo sa semifinals.

Humataw si Usher ng University of Portland ng 22 points sa likod ng kanyang 20 kills habang may 15 markers si Anderson mula sa kanyang 10.

“The confidence of the team is back, but we still have to work hard to come up with a much better finish,” sabi ni HD Spikers’ coach Sammy Acaylar.

Samantala, matapos manlamig sa nauna nilang laro, nag-init sina American reinforcement Alexis Olgard and Myla Pablo para ilapit ang Phi-lips Gold sa isang tiket sa semifinals nang pabagsakin ng Lady Slammers ang sibak nang Meralco Power Spikers, 25-12, 26-24, 25-19 sa unang laro.

Bukod sa mga matutulis na hataw nina Olgard at Pablo ay nakahugot din ng matibay na depensa ang Philips Gold kay American import Bojana Todorovic para kunin ang kanilang pang-limang panalo sa pitong laro.

Tuluyan namang napatalsik sa torneo ang Meralco sa nalasap na ika-pitong sunod na kamalasan. (RC)

Show comments