Amer pumirma ng 3-yr deal sa Meralco

MANILA, Philippines – Matapos si Letran Knights’ star forward Kevin Ra­cal ay si San Beda Red Lions’ veteran guard Baser Amer naman ang pumirma ng kontrata sa kanyang PBA team.

Lumagda si Amer ng isang three-year maximum deal sa Meralco Bolts para makasama ang iniidolong si dating Gilas Pilipinas playmaker Jimmy Alapag.

Tatanggap ang 23-anyos na si Amer ng monthly sa­lary na P1.5 milyon sa kanyang unang taon bago ito lumobo sa  P3.375 milyon sa kanyang final season.

Nabigo si Amer na tulungan ang Red Lions na ma­sakmal ang kanilang pang-anim na sunod na kam­pe­onato matapos matalo ni Racal at ng Knights sa overtime, 85-82, sa ‘winner-take-all’ Game Three ng nakaraang 91st NCAA men’s basketball championship noong nakaraang Biyernes.

Tumapos si Amer na may 14 points para sa kanyang pinakahuling laro sa Red Lions at sa NCAA.

Nakakolekta ang tubong Davao City ng limang sunod na NCAA crown para sa San Beda.

Pinili ng Bolts si Amer bilang No. 7 overall pick sa nakaraang 2015 PBA Rookie Draft kung saan kinuha ng Talk ‘N Text si 6-foot-8 Fil-Tongan Moala Tautuua bilang No. 1 overall selection.

Nauna nang pumirma si Racal ng two-year contract sa Alaska Aces, habang inaasahang makakalagda rin si Letran point guard Mark Cruz sa Star Hotshots.

Show comments