Accel Quantum-3xVI UAAP Press Corps Player of the Week: Kiefer Ravena - Ateneo Blue Eagles

MANILA, Philippines – Bawing-bawi si Kie-fer Ravena mula sa ilang masasamang shooting nang tulungan ang Ateneo Eagles sa 68-59 panalo sa nagdedepensang kampeon National University Bulldogs noong Linggo.

“I was taking off-balance shots and I was making them. I guess it’s just one of those nights,” wika ni Ravena na pinili uli  para maging ACCEL Quantum/3XVI-UAAP Press Corps Player of the Week.

Hindi puwedeng hindi kilalanin ang galing ni Ra-vena matapos pumukol ng anim na 3-pointers at angkinin ang 21 puntos sa first period ng koponan para ilayo agad sa Bulldogs.

Tumapos si Ravena taglay ang 30 puntos sa first half at 32 sa kabuuan ng laro para ibigay sa Eagles ang ikatlong sunod na panalo at playoff para sa Final Four sa 7-4 baraha.

Kumbinsido pa si Ravena na may ilalabas pa sa mga susunod na laro bagama’t naghihilom pa lamang ang sprained ankle niya na tila babala sa mga susunod nilang mga kalaban.

Ang iba pang manla-laro na ikinonsidera para sa lingguhang citation mula sa mga reporters sa UAAP ay sina Kevin Ferrer ng UST Tigers, Mark Belo ng FEU Tamaraws at Papi Sarr ng Adamson Falcons. (AT)

Show comments