Crawford atat kay Pacquiao

MANILA, Philippines - Sa laki ng premyong makukuha ng makakasagupa ni Manny Pacquiao ay kahit sino ay gustong labanan ang Filipino world eight-division champion.

Isa na dito si American Terence Crawford, ang kasalukuyang World Boxing Organization super lightweight king.

“Who wouldn’t think about it? That’s the fight we want,” wika kahapon ni Crawford. “Right now, we just want to focus on (Dierry) Jean, but [Pacquiao] … that’s a big opportunity for me, and if I was ever given that opportunity, I’d do my best to seize it.”

Isa ang pangalan ni Crawford sa mga nasa listahan ni Bob Arum ng Top Rank Promotions para sa posibleng labanan ni Pacquiao sa Abril 9, 2016.

Hanggang sa kasalukuyan ay wala pang pormal na inihahayag si Arum para sa makakatapat ni Pacquiao (57-6-2, 38 KOs) bago ito tulu-yang magretiro para tutukan ang pagkampanya sa Senatorial race.

Nakatakdang itaya ng 28-anyos na si Crawford (26-0-0, 18 KOs) ang kanyang WBO super lightweight belt laban kay Dier-ry Jean (29-1-0, 20 KOs) sa Linggo sa Century Link Center sa Nebraska.

Kung maganda ang magiging resulta ng ttitle defense ni Crawford ay ikukunsidera siya ni Arum para labanan ang 36-an-yos na si Pacquiao.

 

Show comments