WINSTON-SALEM, N.C.– May bagong trabaho si datingNBA All-Star Chris Webber: isang teacher.
Inihayag ng Wake Forest University noong Lunes na magtuturo si Webber ng kurso sa kanilang bagong master of arts in sports storytelling program.
Si Webber ay magiging propesor sa program na bahagi ng documentary film program ng unibersidad. Magtuturo siya ng sports, race at society.
Si Webber ay kasama sa “Fab Five” ng Michigan noong 1990s, kasama sa limang All-Star teams sa loob ng 15-year NBA career at ngayon ay isang television analyst. Nagtayo siya ng production company noong 2012 kasama ang “Hoop Dreams” producer na si Peter Gilbert – isa ring professor sa isang documentary film program ng university.