Accel patuloy ang suporta sa PBA

MANILA, Philippines – Bilang partner ng Philippine Basketball Association ng mahigit isang dekada na, patuloy ang pagsuporta ng Accel sa mga programa ng PBA on at off the court.

Sinusuportahan din ng Accel ang ilang PBA teams tulad ng Kia Mahindra at San Miguel Beer na nag-back-to-back champions noong nakaraang season.

Sina Jayjay Helterbrand, Mark Caguioa, Mark Pingris at Asi Taulava at iba pa ay kabilang sa mga endorser ng Accel pati na rin si Filipino boxing icon Manny Pacquiao, headcoach ng Kia Mahindra.

Bukod sa PBA, sinusuportahan din ng Accel ang PBA Press Corps sa kanilang mga proyekto ng halos 10-taon na.

Para sa mga fans ng PBA, ilulunsad ng Accel ang mga bagong official replica jerseys na yari sa mga magaan at matibay na materials.

Kasama sa mga bagong apparels ang  collection ng PBA team slippers.

“As the official partner of the PBA in its merchandise, we never stop improving our product line to better serve the league’s millions of fans,’’ sabi ni Willie Ortiz, presidente ng  Sporteum Philippines Inc. na gumagawa ng accel products.

Mamimigay din ang Accel ng giveaways at freebies sa halftime ng mga laro para sa mga fans.

Show comments