Lady Sailors biniktima ang Lady Dolphins

Laro Ngayon (The Arena, San Juan City)

12:45 p.m. – Army vs UP

3 p.m. – PLDT vs Kia Forte

MANILA, Philippines – Gumana ang pag-ata­ke ng Philippine Na­vy Lady Sailors para ka­tampukan ang 25-20, 25-23, 25-21 panalo sa Coast Guard Lady Dol­phins sa Shakey’s V-League Season 12 Re­in­forced Conference ka­hapon sa The Arena sa San Juan City.

Sina Lilet Mabbayad at Pau Soriano ay may 15 at 10 kills para pamu­nuan ang 20 kills na agwat sa Coast Guard, 42-22, tungo sa 1-1 karta sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s at handog ng PLDT Home Ultera.

May 18 puntos si Mab­bayad kasama ang 2 blocks at isang ace, habang si Soriano ay may 11 puntos para ipa­lasap sa Lady Dolphins ang ikalawang sunod na pagkatalo.

Nagdomina ang Coast Guard sa blocks, 4-3, at serve, 5-2, at mayroong 26 errors laban sa 34 ng Navy.

Ngunit ininda nila ang mahinang depensa sa atake ng kalaban para malagay na sa alangain ang hangaring umaban­te sa semifinals.

Anim na koponan lamang ang kasali sa liga at single-round robin lang ang elimination round at ang mangungu­nang apat na koponan ang magpapatuloy ng la­ban sa titulo.

Samantala, sinilat ng bagitong Sta. Elena ang PLDT Home Ultera Fast Hitters, 25-22, 25-21, 14-25, 29-27, para sa una nilang panalo sa Spi­kers’ Turf.

Si Arjay Onia ay may 15 kills at 2 aces para sa kanyang 17 puntos, habang si Myco Antonio ay may 12 puntos at sina Rocky Hondrade, Alna­sip Laja at Ace Manda­ni ay nagsanib sa 22 puntos para sa Sta. Elena.

Show comments