CARSON, California – Naging mailap si Donnie Nietes sa media nang hindi siputin ang kanyang workout sa Wild Card Gym at mas piniling manatili sa kanilang living quarters sa Los Angeles.
Masaya namang tinanggap ang kanyang kalabang si Mexican Juan “Pinky” Alejo ng mga miyembro ng press sa Fortune Gym sa Sunset Blvd. para sa isang open workout.
May interpreter si Alejo, hahamunin si Nie-tes para sa WBO light-flyweight crown, para sagutin ang mga katanu-ngan sa kanya ng media.
Sinabi ng boksingerong mula sa Nuevo Leon na sabik na siyang lumaban sa main bout ng Pinoy Pride 33 “Philippine vs the World” sa Linggo dito sa StubHub Center.
“I’m ready. I’m exci-ted,” wika ni Alejo, may 21-3 record kasama ang 13 knockouts.
Nag-shadow-boxed at skipping ropes si Alejo sa harap ng mediamen kahit mainit.
Si Nietes (36-1-4, 21 knockouts) ay ang world champion sa halos walong taon at hindi pa natatalo sa huli niyang 21 fights.
Ito ang motivation ni Alejo. “I know Nietes is a great champion but it will be nice to take the title away from him,” ani Alejo. “If the knockout comes then it comes. If not, then I’m ready to go 12 rounds.
Mas pinili ni Nietes, ayon sa kanyang trainer na si Edito Villamor na magpapawis malapit sa kanilang tinitirhan sa LA kung saan niya kasama ang iba pang boxers.
Gagawin din nina Albert at Jason Pagara at Mark Magsayo ang kanilang mga debut fights sa US.
Lalabanan ni Albert si William Gonzales at makakatapat ni Jason si Santos Benavides ng Nicaragua, habang makakaharap ni Magsayo si Yardley Suarez ng Mexico.
Nakatakda ang final press conference sa Community Hall ng Carson Civic Center kung saan nakatayo ang isang eight-foot statue ni Dr. Jose Rizal stands.
Kasunod nito ay ang official weigh-in sa Adult Lounge ng Carson Civic Center.