75% nang matutuloy ang Pacquiao-Khan fight

MANILA, Philippines – Huwag kayong magtaka kung bakit nangingiti si British star Amir Khan sa mga nakaraang araw.

Ito ay dahil sa paglakas ng tsansang maitakda ang laban nina Khan at Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao sa Abril ng 2016.

“I think it’s 75 percent,” ani Khan sa tsansang maplantsa ang ka­nilang upa­kan ni Pacquiao.

Sa kanyang pagkandi­dato para sa Senado ay isang laban na lamang ang gagawin ni Pacquiao (57-6-2, 38 KOs) sa susunod na taon.

Matapos ang naturang laban ay tuluyan nang mag­reretiro si Pacquiao, nagmula sa kabiguan kay Floyd May­weather, Jr. no­ong Ma­yo 2.

“Manny Pacquiao, after Floyd Mayweather, is the best fighter and I want to fight the best fighters,” ani Khan.

Ilang beses nang na­ging sparmates sina Pacquiao at Khan (31-3-0, 19 KOs) sa ilalim ni chief trainer Freddie Roach.

Sinabi ng 28-anyos na si Khan, sinasanay nga­yon ni trainer Virgil Hun­ter, na handa na siyang ha­rapin ang Filipino bo­xing superstar.

“Pacquiao is a fight I would like to have because styles make fights. Pac­quiao and I used to train and spar together,” wi­ka ni Khan.

“We are friends but sometimes friends have to fight each other. I think it can happen. It’s all about just doing the little things, contracts and stuff,” dagdag pa nito.

Sinabi ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na kinakausap na niya ang kampo ni Khan para sa posibleng laban nito kay Pacquiao sa Abril ng 2016.

“I have left it to my team. They are taking care of it. It will be a good fight for me,” wika ni Khan.

Maliban kay Khan, ang iba pang maaaring ma­katapat ni Pacquiao ay sina bagong World Bo­xing Council light welterweight titlist Victor Postol (28-0-0, 12 KOs), Kell Brook (35-0-0, 24 KOs) at Terence Crawford (25-0-0, 17 KOs).

Show comments