MANILA, Philippines – Diniskaril ng De La Salle University ang pagmartsa ng Ateneo De Manila University sa semifinals ng 78th UAAP women’s beach volleyball tournament.
Umiskor sina Cyd Demecillo at Kim Fajardo ng Lady Spikers ng come-from-behind win, 11-21, 21-16, 15-12, laban kina Alyssa Valdez at Bea Tan ng Lady Eagles kahapon sa Sands SM By The Bay.
Itinaas ng La Salle ang kanilang baraha sa 3-2 at ipinalasap sa Ateneo ang una nitong kabiguan sa limang laro.
Nauna nang tinalo nina Valdez at Tan sa morning session sina Mylene Paat at Jessica Galanza ng Adamson University, 21-13, 21-15.
Ipinoste naman ng Far Eastern University ang 3-1 marka nang talunin nina Bernadeth Pons at Kyla Atienza sina Jaja Santiago at Jasmine Nabor ng National University, 21-12, 21-12.
Nakabawi ang nagdedepensang University of Santo Tomas sa kabiguan nang biguin sina 2014 MVP Cherry Rondina at Rica Rivera sina Arianne Estranero at Vina Alinas ng University of the Philippines, 21-12, 21-15.
Matapos ito ay tinalo naman nina Rondina at Rivera sina Judith Abil at Angelica Dacaymat ng University of the East, 21-3, 21-4.