Nanghihinayang si Baldwin

CHANGSHA – Panghihinayang lamang ang nadama ni coach Tab Baldwin matapos ang 67-78 kabiguan ng Gilas Pilipinas sa China sa gold medal game ng 2015 FIBA Asia Championship sa harap ng maangas na Chinese crowd sa Changsha Social Work College Gymnasium kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Baldwin, nabigo silang samantalahin ang pagkakataong makamit ang nag-iisang tiket para sa 2016 Olympic Games.

“We’re not thinking about who’s not here, what’s not here and what’s missing. We’re thinking about we had an opportunity and we didn’t measure up for whatever reasons and there’s plenty,” sabi ni Baldwin.

Ayon kay Baldwin, dapat pang mapaganda ang inilalaro ng Nationals at naniniwala siyang mangyayari ito makaraan ang back-to-back second-place finishes sa FIBA Asia Championship.

Ang muling pagdomina sa Asian basketball ang pangarap ni Baldwin sa lalong madaling panahon.

Sinabi ni Baldwin na walang mi-yembro ng Gilas ang naging kuntento sa nakamit na silver medal sa torneo.

“(We’re) very down (in the locker room). There’s nobody in there that feels content with the result or the performance. They’re disappointed. They know what’s going on back home. They understand that,” wika ni Baldwin.

“We’re blessed that we have the prayers that come to us from the Philippines, the support that comes to us from our families and the people that love us back home. I don’t feel that we let them down,” dagdag pa nito.

Sinabi pa ni Baldwin na nasaktan nila ang mga naniniwala sa kanila at umaasang makakamit ang 2016 Olympics berth.

“We’re down. We’re disappointed. We’re hurt for ourselves. We’re hurt for them. We’re hurt for MVP (Samahang Basketbol ng Pilipinas president Manny V. Pangilinan) and the people who supported us,” ani Baldwin.

Matapos ang 2015 FIBA Asia Championship ay magbabalik si Gilas head coach Baldwin sa PBA bilang team consultant ng Talk ‘N Text para sa pagbubukas ng 41st season sa Oktubre 18.

Ngunit magpapahinga muna siya bago balikan ang Tropang Texters.

Nakatakdang umalis si Baldwin kasama ang kanyang asawang si Efi patungo sa Greece para dumalo sa kasal ng kanyang sister-in-law.

Matapos ang isang linggo ay babalik siya sa Manila para sa kanyang trabaho sa PBA. (NB)

Show comments