EJ Obiena may tsansang lumaro sa Rio Olympics

MANILA, Philippines - Binibigyan ni Ernest John Obiena ang kanyang sarili hanggang sa unang apat na buwan sa 2016 para maabot ang Olympic qualifying standard para sa pole vault.

Sa ika-14th pagkakataon ay binasag ng 6’2”, 19-anyos ang kanyang Philippine record nang makagawa siya ng 5.45 metrong lundag sa PATAFA Weekly Relay kamakailan.

Kapos na lamang si Obiena ng 25 sentimetro para maabot ang 5.70m qualifying mark at ma-ging kauna-unahang pole vaulter na makapasok sa 2016 Rio Games.

“Ang goal po ay maabot ang 5.45m by the end of the year base sa program  ni coach Vitaly Petrov. Napaaga lang,” wika ni Obiena na isang second year irregular sa University of Santo Tomas sa kursong electronics engineer.

Si Petrov ang batikang pole vault coach sa Formia, Italy na siyang pinagsasanayan ni Obie-na matapos mapili bilang isang IAAF scholar sa tulong ng dating tinitingalang pole vaulter na si-nanay ni Petrov na si Sergei Bubka.

Naabot man ang target sa taon ay magpupursige pa si Obiena na mahigitan ang marka sa pag-lahok sa UAAP at sa PATAFA Weekly Relay sa Disyembre.

“Hopefully  ay maabot ko na ang 5.50m sa December para lumapit pa ako sa standard. Sa first four months ng 2016 sana makuha ko na ang standard para magkaroon ng sapat na panahon para makapag-prepare sa Rio Olympics,” dagdag pa ni Obiena.

Ang ama at dating SEAG medalist sa event na si Emerson ang tumatayo rin bilang coach ng batang Obiena at ang hinihiling lamang niya ay matiyak na magkakaroon ng kagamitan ang anak lalo pa’t patuloy ang kanyang paglaki.

“Ang ginagamit niya noon ay hindi na puwedeng gamitin ngayon dahil tumatangkad siya at lumalaki ang katawan. Kaya sana ay dumating na ang mga equipment para may magamit siya,” ani Emerson.

Sinang-ayunan na ng POC at PSC ang $28,000.00 budget para sa susunod na tatlong buwang paghahanda ni Obiena na kinabibilangan ng paglipad niya sa Italy sa huling linggo ng Dis-yembre para magsanay uli.

Show comments