MANILA, Philippines – Pumanaw kahapon ng umaga si dating Philippine Olympic Committee president Rene Cruz dahil sa atake sa puso. Siya ay 85-anyos.
Si Cruz ay nagsilbi bilang pangulo ng Olympic body mula 1993 hanggang 1997 kasabay ng pagiging presidente ng Philippine Badminton Association.
Ang huling Olympic medal ng bansa ay nangyari sa ilalim ng termino ni Cruz mula kay boxer Mansueto “Onyok” Velasco, Jr. na nanalo ng silver noong 1996 sa Atlanta.
“He (Cruz) will be best remembered for that. It’s his legacy,” sabi ni POC secretary-general Steve Hontiveros, ang dating secretary-general ni Cruz.
Ang mga labi ni Cruz ay nakahimlay sa Loyola Memorial Chapels sa Sucat, Parañaque. Ang cremation ay sa Oct 3.