Si Blatche lang pala ang katapat ni Haddadi

CHANGSHA, China – Nakahanap na ng katapat si Hamed Haddadi, ang pinakado-minanteng sentro matapos si Chinese superstar Yao Ming, sa katauhan ni Andray Blatche.

Maaari ring ang naturalized player na si Blatche ang bagong kapalit sa puwesto ni Haddadi sa Asian basketball.

Humakot ang 6-foot-10 na si Blatche ng 18 points, 7 rebounds, 4 steals, 2 blocks at 1 assists, habang naglista lamang ang 7’2 na si Haddadi ng 10 markers, 7 boards, 1 steal at 1 block.

Na-foul out ang Iranian giant nang makabanggaan si Calvin Abueva kasunod ang kanyang technical foul dahil sa pagkainis.

Para kay Blatche, isa lamang itong ordinaryong trabaho.

“It’s not a statement game. We just executed well, we attacked and got the win. I felt we prepared ourselves for this moment. We came out and did what we were supposed to do,” ani Blatche. (NB)

Show comments