LOS ANGELES – Bibigyan ng Los Angeles Lakers si Metta World Peace ng isa pang pagkakataon.
Muling pumirma ang veteran forward sa Los Angeles nitong Huwebes ng one-year deal para sa pagpapatuloy ng kanyang NBA career.
Nanalo siya ng championship ring sa Lakers noong 2010 nang kilala pa siya bilang Ron Artest, matapos maging starter sa 23 postseason games na siyang highlight ng kanyang apat na taong pananatili sa Los Angeles.
Bagama’t bumaba ang kalidad ng kanyang laro bago siya pinakawalan ng Los Angeles sa pamamagitan ng amnesty clause noong July 2013, ang kanyang pakikipagkaibigan kay Kobe Bryant at kakayahang turuan ang mga batang players ng Lakers, ang dahilan para ikonsidera ng pamunuan ng Los Angeles na kunin uli ang 35-gulang na player na laging nasasangkot sa gulo.