MANILA, Philippines – Pinatumba ng De La Salle Greenhills-A ang Xa-vier School-A, 42-26 patungo sa pag-angkin sa korona ng Small Basketeers Philippines habang tinalo ng Adamson University ang Ateneo-A, 76-63 sa pagsikwat sa Passerelle title sa twin basketball tournaments para sa kabataan na inorganisa ng Best Center at itinaguyod ng Milo sa Xavier School gym.
Umiskor si Victorino Torres ng 10 points para pangunahan ang panalo ng Greenies. Tumipa naman si Gerry Austin Abadiano ng 13 points, habang nagdagdag ng 11 markers si Jeffy Mailim para sa tagumpay ng Adamson.
Nakahugot ang Ateneo ng pinagsamang 23 points kina Miguel Luigi Santos at Sean Dave Ildefonso.
Samantala, kinuha ng Ateneo-A ang third place sa SBP mula sa 51-31 paglampaso sa Chiang Kai Shek.
Pinabagsak naman ng La Salle Greenhills-A ang Nazareth School of National University, 54-31 para sa third place sa Passerelle Division.
Inihayag naman ni Best Center founder at president Nic Jorge ang huling araw ng enrolment para sa basketball clinics sa Setyembre 26 sa Xavier School ng mga kursong iniaalok ay ang preparatory levels 1 at 3.
Ang mga clinics ay ginagawa tuwing Sabado.