Shell Active chess sa PSA Forum

MANILA, Philippines - Ang kaganapan sa chess ang tatalakayin nga-yon sa pagbisita ng Shell National Youth Active Chess Championship sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Shakey’s Malate.

Ang torneo ay tatalakayin nina director Alexander Dinoy at Melanie Bularan, ang social investment and social performance manager ng Shell sa pang alas-10:30 ng umagang sesyon.

Dadalo rin ang ilang finalists ng nasabing annual meet sa public sports program na isinasaere nang LIVE sa DZSR Sports Radio 918 at iniha-handog ng San Miguel Corp., Accel, Shakey’s at ng Philippine Amusement and Gaming Corp.

Ang Shell National Active Youth Chess Championship ay nakatakda sa Sept. 19-20 sa Megamall.

 

Show comments