Ateneo, NU lumapit sa Finals

Laro Ngayon (The Arena, San Juan City)

12:45 p.m. – FEU vs NU (Game 2)

3 p.m. – UST vs Ateneo (Game 2)

MANILA, Philippines – Ipinakita ng Ateneo Lady Eagles at ng Na­tio­nal University Lady Bulldogs ang larong ina­­asahan sa kanila nang ma­nalo sa kani-kanilang semifinals series ng Sha­key’s V-League Season 12 Collegiate Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Sina Bea De Leon, Alyssa Valdez at Amy Aho­miro ay tumapos tag­lay ang 16, 15 at 10 pun­tos para bitbitin ang Lady Eagles sa 27-25, 25-16, 25-17 straight sets win laban sa UST Tig­resses.

Naghati-hati sa tra­ba­­ho ang tatlong bati­kang manlalaro ng Ate­neo at si Valdez ay may 13 kills, si De Leon ay may 8 blocks at si Aho­miro ay may limang aces para hawakan ng UAAP champions ang bentahe sa attack points, 35-21, blocks, 11-7 at aces 11-5.

Hindi naman naa­pek­tuhan ang Lady Bull­dogs sa pagkawala ng guest player na si Dindin Manabat matapos magbida sina Jaja San­­tiago, Myla Pablo at Jo­rella Singh para sa 25-15, 25-22, 25-27, 25-23 tagumpay sa nagdedepensang FEU Lady Tamaraws.

Umiskor ang 6-foot-4 na si Santiago ng 17 kills at 2 blocks, habang si Pablo ang sumuporta sa pag-atake sa 16 kills  para sa NU.

Hindi naglaro si Ma­nabat dahil kasama siya sa Petron na naglalaro sa Asian Women Club Championship sa Vietnam.

Inaasahang tatapu­sin ng Lady Eagles at ng Lady Bulldogs ang kanilang mga serye para maitakda ang title wars nila.

Show comments