Gregorio hinirang na Accel-Executive of the Year

MANILA, Philippines – Pararangalan si outgoing PBA chairman Patrick Gregorio, nagsilbing alternate governor ng Talk ‘N Text, bilang 2015 Accel-Executive of the Year sa pag­daraos ng PBA Press Corps (PBAPC) ng Annual Awards Night sa Set­yembre 16 sa Century Park Hotel.

Tatanggapin ng Tropang Texters executive ang award na ipinangalan kay legendary Crispa Red­manizers team owner Danny Floro sa taon kung saan nagtala ang pro league ng bagong record ng bilang ng mga kopo­nan at mataas na crowd at­tendance.

Sa ilalim ng termino ni Gregorio ay nagkaroon ang PBA ng 12 teams sa pag­pasok ng Kia Motors at Blackwater.

Ipinagdiwang din ng li­ga ang kanilang ika-40 season sa pamamagitan ng marangyang opening ce­remony na humakot ng all-time crowd attendance na 52,612 sa bagong Phi­lippine Are­na sa Bocaue, Bu­lacan.

Isinalang din ang mga Asian imports sa season-ending Governors’ Cup.

Makakasama ni Gre­go­rio sa special gala night sa Miyerkules sina June Mar Fajardo, ang Gerry’s Grill-Defensive Player of the Year, Calvin Abueva (Mr. Quality Minutes), Alex Cabagnot (Comeback Player), Paul Lee (Or­der of Merit), at ang All-Rookie Team nina Stan­ley Pringle, Chris Ban­chero, Jericho Cruz, Matt Ganuelas-Rosser at Jake Pascual.

Show comments