MANILA, Philippines - Muling napasakamay ng Letran College ang solong liderato habang nakabangon ang Perpetual Help mula sa kabiguan para palakasin ang tsansa sa Final Four.
Ito ay matapos ang 79-69 panalo ng Knights laban sa St. Benilde Blazers at ang 88-86 paglusot ng Perpetual Altas kontra sa five-peat champions na San Beda Red Lions sa second round ng 91st NCAA men’s basketball tournament kagabi sa The Arena sa San Juan City.
Kumolekta si guard Mark Cruz ng 20 points kasunod ang 18 ni Ke-vin Racal habang nagtala si McJour Luib ng season-high na 16 markers para sa ikatlong sunod na arangkada ng Letran.
Kinuha ng Blazers ang 13-22 abante sa first period at 62-56 kalamangan sa kaagahan ng fourth quarter bago nag-lunsad ang Knights ng 7-0 atake para agawin ang unahan sa 63-62.
“We started flat defensively in the first three quarters good thing in the fourth quarter naka-recover ang mga bata sa depensa,” sabi ni rookie coach Aldin Ayo sa Letran.
Pinamunuan naman ni Jonathan Grey at John Domingo ang St. Benilde sa magkatulad nilang 14 points kasunod ang 12 ni Jeffrey Ongteco at 10 ni Fons Saavedra.
Ang basket naman ni 6-foot-8 Nigerian import Bright Akhuetie mula sa pasa ni Nestor Bantayan ang nagtakas sa Perpetual laban sa San Beda bago tumunog ang final buzzer.
Bago ito ay naitabla ni Arthur Dela Cruz ang Red Lions sa 86-86 sa huling 15.4 segundo kasunod ang pagbibida ng 18-anyos na si Akhuetie.
Tumapos si Akhuetie na may 31 points, 11 rebounds at 4 assists para banderahan ang Perpe-tual, natalo sa San Beda, 81-83 sa first round.
LETRAN 79 – Cruz 20, Racal 18, Luib 16, Sollano 9, Quinto 9, Nambatac 5, Apreku 2, Calvo 0, Balagasay 0.
St. Benilde 69 – Domingo JJ 14, Grey 14, Ongteco 12, Saavedra 10, Nayve 6, Domingo JS 5, Jonson 3, Young 3, Fajarito 2, Deles 0, Sta. Maria 0, Castor 0.
Quarterscores: 13-22; 40-38; 54-56; 79-69.
Perpetual Help 88- Akhuetie 31, Thompson 14, Ylagan 14, Sadiwa 10, Oliveria 6, Eze 5, Bantayan 4, Dizon 2, Cabiltes 2, Tamayo 0, Coronel 0, Gallardo 0, Dagangon 0, Elopre 0.
San Beda 86- Adeogun 26, Dela Cruz 15, Mocon 12, Koga 11, Amer 10, Tankoua 8, Reyes 4, Cabanag 0, Soberano 0, Sara 0, Presbiterio 0, Tongco 0, Sorela 0.
Quarterscores: 14-17; 39-35; 61-60; 88-86.