MANILA, Philippines – Ang boxing team na nakasiguro ng slots sa Doha world championships at ang Bingo Bonanza National Open Badminton Championships ang mga panauhin ngayon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Shakey’s Malate.
Darating si Philippine Badminton Association (PBA) secretary-general Rep. Albee Benitez ng PBA Smash Pilipinas para talakayin ang taunang badminton event tampok ang mga mahuhusay na badminton players sa bansa kasama si tournament director at coach Nelson Asuncion at Al Alonte ng Bingo Bonanza.
Magbabalik naman si Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) secretary general Ed Picson sa lingguhang sesyon na ito na handog ng San Miguel Corp., Accel, Shakey’s at Philippine Amusement and Gaming Corp., kasama ang mga boxers na sina Eumir Felix Marcial and Rogen Ladon at coaches Pat Gaspi at Nolito ‘Boy’ Velasco.
Sina Marcial at Ladon ay nanalo ng silver medals sa katatapos lang na ASBC Asian Boxing Championships.