Tamaraws, Archers umiskor

MANILA, Philippines – Ipinakita sa gawa ng FEU Tamaraws ang pa­gi­ging paborito sa 78th UAAP men’s basketball nang durugin  ang Ateneo Blue Eagles, 88-64, kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Sinandalan ang ma­gandang shooting, dinomina ng Tamaraws ang Blue Eagles mula sa si­mula para makapagtala ng impresibong panalo.

“Ang motivation namin is to bounce back sa nangyari sa Finals. We knew it will be hard playing Ateneo but the players were up to the challenge. I’m proud of them,” wika  ng third year FEU coach Nash Racela na pumanga­lawa sa nagdaang season.

May career-high na 19 puntos si Roger Pogoy mu­la sa 7-of-12 shoo­ting, habang sina Mike To­lomia, Mark Belo at Ray­mar Jose ay naghatid ng 17, 16 at 16 puntos para sa FEU.

Ang MVP noong na­ka­raang taon na si Kiefer Ravena at Gwayne Capacio ay may 25 at 14 puntos at nagsanib sa 13-of-35 shooting.

Ngunit ang ibang kakampi ay wala sa kondis­yon at nagsalo sa mahinang 10-of-42 marka.

Bago ito ay pinana ng La Salle Green Archers ang nagdedepensang National University Bulldogs, 67-63, at sina Jeron Teng at Jason Perkins ang nagdala sa nanalong ko­po­nan.

May 18 puntos si Teng, habang may double-double na 13 puntos at 12 boards si Perkins at sila ay nagtuwang sa mahalagang 4-0 run para maisantabi ang pagbangon ng Bulldogs mula 15 puntos.

Naiwanan ng 30-45 sa ikatlong yugto, nagkaroon ng pagkakataon na ma­katabla ang NU nang malagay sa free throw line si Gelo Alolino at lamang ng dalawa ang La Salle.

Pero ang unang free throw lamang ang kanyang naipasok bago bu­manat si Perkins ng da­lawang charity shots na na­sundan ng pabandang buslo ni Teng.

Show comments