MANILA, Philippines - Inaasahang darating sa bansa nga-yon si NBA superstar Stephen Curry ng NBA champions na Golden State Warriors mula sa Tokyo, Japan para sa isang mabilis na one-day visit bilang bahagi ng five-city, three-country roadshow ng Under Armour.
Magkakaroon si Curry ng isang media day sa Raffles Hotel sa Makati City ilang oras matapos ang kanyang pagdating.
Kinahapunan ay didiretso si Curry sa MOA Arena sa Pasay City kung saan siya sasalang sa ilang aktibidad kasama ang mga local endorsers ng Under Armour.
“China and the Philippines have a rich cultural connection to basketball and I’ve heard the game is becoming more popular in Japan by the day,” sabi ni Curry sa isang press release.
“This will be an unforgettable experience and we have some special things planned for some of the best basketball fans in the world,” dagdag pa nito.
Matapos ang Manila, magtutungo naman si Curry sa China bukas para bumisita sa Beijing, Chongqing at Shanghai.
Nauna nang dumating sa bansa sina Cleveland Cavaliers’ LeBron James, Ricky Rubio ng Minnesota Timberwolves, Kenneth Faried ng Denver Nuggets at San Antonio Spurs guard Danny Green.