F4 ng Spikers’ Turf kukumpletuhin

MANILA, Philippines - Malalaman ngayon ang mga koponan na ku­kumpleto sa Final Four ng Spikers’ Turf Colle­giate Conference sa pag­­tatapos ng quarter­finals sa The Arena sa San Juan City.

Kalaban ng La Salle Green Archers ang Emilio Aguinaldo College Generals sa ala-1 ng hapon at ang mana­nalo ay aabante sa Final Four.

Ang UP Maroons at NCBA Wildcats ang magtutuos sa ikalawang laro sa alas-3 ng hapon at ang hangad ng huli ang panalo para makaiwas sa playoff.

Ang Ateneo Blue Eagles ang siyang No. 1 team bitbit ang 7-0 karta  kasunod ang National Uni­versity Bulldogs na nagdadala ng 6-1 ba­ra­ha.

Show comments