Blue Eagles dinagit ang No. 1 seat sa Final Four

MANILA, Philippines – Ipinagpatuloy ng Ate­neo Blue Eagles ang dominasyon sa National University Bulldogs matapos kunin ang 25-16, 25-20, 25-17 straight sets win sa Spikers’ Turf Collegiate Conference quar­terfinals kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Winakasan ng Blue Eagles ang yugto bitbit ang 7-0 karta.

Makakaharap nila ang papang-apat na ko­po­nan sa pagtatapos ng yugto sa Final Four na inilagay sa best-of-three series.

Si Marck Espejo ay may 12 kills, habang si­na Rex Intal, Anthony Paul Koyfman, Joshua Villanueva at Ysrael Wil­son Marasigan ay nag­sanib sa 24 puntos.

Kontrolado ng UA­AP champions na Ate­neo ang attack, 37-29, at serve, 6-3.

Nakatulong pa ang tila wala sa focus na Bulldogs na may 28 errors kumpara sa 17 lamang ng Blue Eagles.

Si Bryan Bagunas ay may 14 puntos para sa NU na makakalaban ang papangatlong koponan sa susunod na yugto.

Nailusot ni Racmade Etrone ang malakas na kill sa mga defenders ng FEU bago kumana ng quick point si Mark Jethro Orian para tulungan ang St. Benilde Blazers sa 17-25, 25-22, 14-25, 25-23, 17-15 panalo sa FEU Tamaraws sa pagtatapos ng kanilang mga asignatura.

Show comments